Guest performer si Skusta sa Clark Aurora Fest 2022, isang hot air balloon at music festival, na ginanap nitong nakaraang Biyernes ng gabi, June 10, 2022.
Hindi maganda ang salubong ng ibang nasa audience kay Skusta nang kumanta na ito, base sa mga ipinost na videos sa social media.
Trending topic din si Skusta ngayong Sabado, June 11, 2022.
Triggered ang audience nang kantahin ni Skusta ang “Karma,” ang kanta niyang may kinalaman sa pagtataksil.
Malinaw na ang galit ng ibang manonood kay Skusta ay may kinalaman sa paghihiwalay nila ng ex-partner niyang si Zeinab Harake, ang Filipino-Lebanese content creator.
Sa halip na palakpak at hiyawan, sinalubong ang performance ni Skusta ng mga mga nakataas na kamay na naka-middle finger, at maririnig ang mga mura, sigaw ng “boo,” at paulit-ulit na “cheater.”
Noon lamang May 2022, ibinunyag ni Zeinab na hiwalay na sila ni Skusta nang matuklasan niyang may ibang babae na ang rapper.
Naging masaklap pa ang kanilang paghihiwalay dahil nakunan si Zeinab ng pangalawa nilang anak ni Skusta, na tumaon sa kanilang paghihiwalay.
0 Comments